Bulalakaw ñg Pag-Asa

[6]

Bulalakaw ng Pág-Asa

[8]

[Nilálamán]

Mga Paunang Talata

Giliw na Mangbabasa:

Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát.

Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa ang [9]mga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.

Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ng Bulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito’y pañgarap; ñguni’t yao’y katotohanan.

Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag. Palibhasa’y akó—marahil—ang unang sumaksi sa pagkakasulat ng mga unang dahon nitó, kaya siyang napitang tumungkol ng kailañgang pagpapaaninaw kung anó’t ang isáng akdang limbag

...

BU KİTABI OKUMAK İÇİN ÜYE OLUN VEYA GİRİŞ YAPIN!


Sitemize Üyelik ÜCRETSİZDİR!